^

Bansa

Graft vs Pangasinan gov. aprub sa Ombudsman

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban kay Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. at iba pang mga opisyal dahil sa umano’y iligal na black sand mining sa lalawigan.

Pinagtibay ng Ombudsman ang nauna nitong desisyong kasuhan sina Espino, dalawang nadismis na opisyal ng lalawigan at iba pa dahil sa paglabag sa batas sa graft and corruption.

Sa naturang kaso, isinasangkot sina Espino at iba pa sa iligal na magnetite o black sand mining activities sa baybayin ng Lingayen Gulf.

Sa resolusyon noong Enero 11, 2016, ibinasura ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang motion for reconsideration nina Espino, dismissed provincial administrator Rafael Baraan at provincial housing development officer Alvin Bigay, at mga opisyal ng mga kumpan­yang kinontrata para sa magnetite extraction activities.

Ayon sa Ombudsman, napag-alaman nitong may pananagutang kriminal sina Espino, Baraan at Bigay nang bigyan nila ng permit at naki­pagtransaksyon sa dalawang kumpanya - ang Alexandra Mining and Oil Ventures at Xypher Builders Inc. na kapwa hindi kuwalipikado sa pagsasagawa ng eco-tourism, golf course development at mining activities.

Pinuna ng Ombudsman na hindi muna kumuha ng environmental compliance certificate (ECC) ang dalawang kumpanya bago nagsagawa ng magnetite extraction activities sa Lingayen Gulf at hindi rin umano miyembro ng Philippine Contractors Accreditation Board ang mga ito.

“Sa kabila ng malinaw na mga kakulangang ito, nakipagnegosasyon at nakipagkontrata pa rin sila (Espino at ibang provincial official) sa naturang hindi rehistradong mga kontratista at hindi awtorisadong magsagawa ng magnetite extraction activities,” paliwanag ng Ombudsman.

Isinagawa umano ang extraction ng magnetite mula 2011 hanggang 2013 sa isang lugar sa isang panukalang 18-hole golf-course project na tumatagos sa mga barangay ng Sabangan, Malimpuec, Capandanan at Estanza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with