^

Bansa

Duterte isinugod sa ospital

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinugod kamakalawa sa ospital si Presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ni Peter Lavina, tagapagsa­lita ni Duterte at nilinaw na nagpa-check up lamang ito at hindi na-confine.

Paliwanag ni Lavina, isinugod sa isang pagamutan na hindi nito binanggit si Duterte dahil inatake ito ng kanyang migraine.

Sa ngayon ay nasa Davao na umano ang Alkalde na pambato ng PDP-Laban sa darating na eleksyon upang makapagpahinga.

Sa halip ay nagpadala na lamang ang kampo ni Duterte ng dalawang representatives sa dalawang events na sana ay dadaluhan ng alkalde kahapon.

Si Duterte ay hindi na nakapagsalita sa isang event sa Pasig City matapos sumpungin ng migraine, kaya dinala na lang ito sa isang kwarto sa hotel para makapagpahinga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with