Isko pasok sa top 10 ng senators
MANILA, Philippines – Pasok si Manila Vice Mayor Isko Moreno Domagoso sa top 10 ng mga senador na naglalaban sa eleksiyon sa Mayo.
Isinagawa ng The Standard ang urvey mula Enero 26 hanggang Pebrero 4 mula sa 3,000 mga botante.
Nabatid na kinabibilangan ng 52 pangalan ng mga senador ang survey mula sa Certified List of Candidates ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon naman kay Domagoso, indikasyon lamang ito ng pagtitiwala sa kanya sa publiko kaya’t lubos naman ang kanyang pasasalamat.
Patuloy pa rin siyang magsisikap at magsisipag upang matupad na maging boses ng mga nangangailangan.
- Latest