^

Bansa

Pagpanaw ni Señeres, ikinalungkot ng OPAP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kalungkutan at panghihinayang ang pamunuan ng Overseas Placement Association of the Philippines (OPAP) sa pagpanaw ni Ambassador at OFW Family Club party-list Rep. Roy Señeres.

Sinabi ni OPAP President Alice Devulgado, malaking kawalan si Seneres sa sektor ng mga manggagawa lalo na sa mga milyun-mil­yong OFW na kinikilala siya bilang kakampi at tapagtanggol nila.

Ayon kay Devulgado, napakamatulungin ni Señeres lalo at higit sa mga adhikain na alam niyang makatutulong sa mga manggagawa at mga OFW at lehitimong mga placement agency. 

Ang OPAP ang isa mga pinakamatagal at respetadong sama­han ng mga lehitimong placement agency sa bansa at nasa likod ng pagsasabatas ng ilang mga panukalang nag­lalayong protektahan ang mga OFW katulad ng Migrant Workers Act.

Sa kanyang panig ay sinabi naman ni OPAP Chairman Nikki Quibrantar na malaking kawalan si Señeres hindi lamang ng mga manggagawa kundi maging ng buong bansa.

Naalala rin ni Quibrantar na todo-suporta si Señeres sa OPAP kaya’t hindi ito nagdalawang isip na siyang manguna sa oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng samahan noong Disyembre sa kabila ng maikling panahon at abiso.  

Namatay si Señeres tatlong araw matapos niyang ideklara na hindi na siya tatakbo bilang pangulo ng bansa dahil na rin sa iniinda niyang sakit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with