^

Bansa

Kandidato ‘di obligadong ilantad ang health condition

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na hindi maaaring obligahin ang isang kandidato na ilabas ang kanyang health condition.

Ayon kay Macalintal, hindi rin umano kasama sa qualification para makatakbo sa mataas na posisyon ang kalusugan ng isang kandidato.

Bagama’t may ilan na handang maglahad ng health record, hindi umano ito pwedeng ipagpilitan ng Commission on Elections (Comelec) o ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Naging usapin ito, ilang araw matapos masawi ang isa sa mga kandidato sa pagka-pangulo na si dating Amb. Roy Señeres.

Habang may iba pang kandidato na una nang lumutang ang isyu sa kalusugan subalit tuloy pa rin sa mga aktibidad ukol sa kanilang kampanya.

Maging ang mga opis­yal ng Comelec ay aminadong hindi nila magawang mapilit ang bawat kandidato na maglahad ng kanilang health records dahil hindi ito nakasaad sa saligang batas o maging sa Fair Elections Act.

Para kay Comelec Chairman Andres Bautista, mainam kung transparent sa tunay na estado ng kalusugan ang isang kandidato dahil may mga botante na basehan ito ng ihahalal nilang lider.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with