^

Bansa

P6.3B lugi sa smuggling ng karne ng baboy, manok

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabalak na naman ng pig holiday ang mga hog raisers bilang protesta sa hindi matigil na technical smuggling ng karne ng baboy na nagdudulot ng bilyon-bilyong lugi sa kanilang sektor.

Ayon kay Agap party­list Rep. Nicanor Briones, tumawag na sa kanya ang grupo ng hog raisers para pagplanuhan ang pig holiday dahil sa kawalan ng epektibong hakbang ng gobyerno para tapusin ang technical smuggling ng karne ng baboy.

Paliwanag ni Briones, sa technical smuggling ng baboy ay 3.5 bilyon piso kada taon ang nawawala kita sa gobyerno habang 2.8 bilyon naman ang lugi sa technical smuggling ng karneng manok.

Pinalalabas umano ng mga smugglers na taba, lamang loob at balat ng baboy ang ipinapasok ng mga ito sa halip na ideklarang laman na karneng baboy para limang porsi­yento lamang ng buwis ang babayaran sa halip na 30 porsiyento.

Habang sa manok naman ay idinideklara ng mga smugglers na retaso lamang ng karneng manok ang kanilang ipinapasok para hindi makapagbayad ng tamang buwis.

Giit ng kongresista, nakalulusot ito dahil wala namang nangyayaring inspeksyon at ang kapalit ng inspeksyon, bayaran ang tara ng mga tiwali sa Bureau of Customs na P100,000 hanggang P150,000 bawat container.

Ang resulta umano ng ganitong katiwalian sa Customs ay bagsak ang presyo ng baboy sa pamilihan na ikinalulugi na ng mga hog raiser ng bente pesos sa kada kilo o average na P2,000 sa bawat ulo o piraso ng baboy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with