^

Bansa

Tondo sumuporta sa Team Duterte - Bagatsing

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang pasasalamat sa pagsasagawa ng Team Duterte ng proclamation rally nito sa Tondo noong Martes, iboboto at ikakampanya pa ng mga taga-Tondo ang Duterte-Cayetano tandem sa Visayas at Mindanao.

Ito ang sinabi ni Manila mayoralty candidate Amado S. Bagatsing matapos na siya ay dagsain ng mga taga-Tondo bilang host ng kick-off sortie nina PDP-Laban presidential candidate Rodrigo Duterte at VP contender Sen. Alan Peter Cayetano.

“Ilang dekada nang napabayaan ang Tondo ng national at local governments, lalo na ng huling dalawang administrasyon sa Maynila,” sabi ni Bagatsing, ang pambato ni Duterte sa pagka-mayor sa Maynila.

Ayon kay Bagatsing, maraming taga-Tondo ang nagmula sa Visayas at Mindanao, kung saan ay sumikat si Duterte bilang Mayor ng Davao City na kilala sa walang-takot na paglaban sa kriminalidad.

Nangako ang Duterte-Cayetano na sa loob ng tatlo at anim na buwan ay pipigilan nila ang salot ng kriminalidad, lalo na ng talamak na bentahan ng droga.

Oras na mahalal na mayor ng Maynila, siniguro ni Bagatsing na walang maiitsa-pwera sa anumang sektor ng siyudad lalo na sa delivery ng public service tulad ng libreng gamutan at hospitalization, tulong-pangkabuhayan at pagkakaroon ng pabahay.

Binigyang-diin ni Bagatsing na agad niyang isasara ang naglipanang drug laboratories sa Maynila, daragdagan ang allowances ng kapulisan sa siyudad at imo-mobilize ang mga barangay unit upang tumulong sa anti-crime patrols at pagsasaayos ng daloy ng trapiko.

Idinagdag ni Bagatsing na makikipagtulungan siya sa mga negosyante at mamumuhunan upang maibalik ang ganda ng Maynila bilang sentro ng turismo, komersiyo, kultura at sining.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with