^

Bansa

Roxas, naging susi sa pagresolba ng isang krimen

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naging viral sa social media ang kuwento ng isang Warren Royo kung saan naging susi umano si LP presidential bet Mar Roxas para masakote ang prime suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid na si JR Royo.

“Naging desperado kami. My family wrote to then DILG Secretary, Mar Roxas. Sinubukan lang namin. Wala namang mawawala,” sulat ni Royo sa kanyang Facebook account. 

Idinetalye ni Royo ang pagpatay sa kanyang ka­patid na ilang beses binaril diumano ng suspek na si Mark Villanueva.

“He was shot multiple times, in front of his own residence. Within earshot of his own pregnant fiancee,” simula nito. Ilang buwan ang lumipas ngunit hindi umusad ang imbestigasyon laban sa suspek kahit maraming testigong nakakita sa krimen.

“Kinuwento namin ang kaso, at humingi ng tulong para makamit ang hustisya. And then we were met with a pleasant surprise,” tuloy ni Royo. Bigla raw gumalaw ang kapulisan at biglang may tumatawag sa kanila upang bigyan ng update tungkol sa kaso ang kanilang pamilya. “Nag-offer akong tumulong, kahit para sa pamasahe nila, pero ayaw nilang tumanggap ng kahit ano,” sabi ni Royo.

Inamin ni Royo na nasorpresa siya sa naging aksyon sa kanilang hinaing. “Hindi ko inasahan ito. Isang sulat lang kay Mar Roxas, gumana bigla ang PNP. Bakit? Wala naman akong connection sa kanya. Wala kaming kakilalang kamag-anak o kaibigan niya. He and his people were clearly not interested in our money, either. How could we have gotten the attention of the DILG Secretary himself with just a letter?” kuwento nito.

Magandang balita ang tinanggap ng pamilya Royo dahil pagkatapos lamang ng isang linggo ay nasakote na ang suspek na si Villanueva.

Sinubukan pa raw ng kabilang kampo na takutin ang mga testigo kaya’t hindi nagsiputan ang mga ito sa mga pagdinig. Ngunit nagbakasakali ulit ang pamilya Royo at muling sumulat kay Roxas para sa kanyang tulong.

Hindi sila binigo ni Ro­xas at ipinag-utos nitong hanapin ang star witness sa kaso ng kapatid ni Royo. Unti-unting lumabas ang ibang testigo, sanhi ng paggalaw ng kaso laban sa akusado.

Lumabas ang kuwentong ito pagkatapos banggitin ni Roxas sa kanyang talumpati sa Capiz at Iloilo na isa sa haligi ng kanilang plataporma ng kanyang running mate na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ang katiyakan ng mga Pilipino mula sa krimen at katiyakang magkakaroon ng hustisya kapag may naganap na paglabag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with