^

Bansa

Bandila na ginawang basahan, iniimbestigahan ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang nag-viral na video sa internet kung saan ginamit na basahan o floor mat ng isang estudyante ang bandila ng Pilipinas.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali, tulad ng reaksyon ng iba, maging siya ay nagulat at nalungkot dahil sa ginawa ng naturang estudyante.

Aniya, mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang paglapastangan sa watawat ng Pilipinas. Ang ganitong kalapastanganan ay may katapat na kaukulang parusa.

Umapela rin si Umali sa mga mamamayan, partikular sa mga estudyante, na igalang at bigyang-respeto ang watawat ng Pilipinas.

Kinumpirma naman ng University of the East (UE) Manila na estudyante nila ang nabidyuhang inilalampaso ang watawat.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa mahigit isang milyon na ang views ng video.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with