^

Bansa

Comelec gahol na sa 2016 elections

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gahol na sa oras ang Commission on Elections sa paghahanda sa Eleksyon 2016.

Ito ang paniniwala ng Information Technology expert na si Lito Averia mula sa Transparent Elections dot Org na personal na nakinig sa paliwanag ng Comelec, Smartmatic-TIM at SLI Global Solutions kaugnay sa mga problemang nakita sa Automated Elections System. 

Tinanong ni Averia si Ely Moreno, project director ng Smartmatic, kung ang sistema ba na gagamitin sa Pilipinas sa May 9, 2016 elections ay dati nang nagamit sa mga eleksyon sa ibang bana.

Paliwanag ni Moreno, nagamit na ang sistema sa Bulgaria at Valenzuela.

Para kay Averia, ba­gamat sinasabi ng Come­lec na normal na bahagi lamang ng proseso ang mga nakikitang problema, ito ay magiging normal lamang kapag normal pa ang panahon at hindi nga­yong nagkukumahog na sa paghahanda sa eleksyon.

Sa nakaraang dalawang Automated Elections nuong 2010 at 2013, ang pag-iimprenta ng balota ay nasimulan Enero pa lamang.

Pero sa kabila naman ng mga aberya, kum­piyansa si Comelec Chairman Andres Bautista na sapat pa rin ang panahon para sa maayos na paghahanda sa eleksyon.

Katunayan, matutuloy na umano sa Lunes ang ballot printing na inaasahan nila na mas mapapadali dahil iikli ang balota.

Tuloy din umano sa Sabado ang gagawing mock elections kung saan isasalang ang Automated Elections System sa end-to-end demonstration para makita kung may kaila­ngan pang ayusin o kung maayos nang tatakbo ang sistema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with