^

Bansa

Grace bisita ni PNoy sa kanyang birthday

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

ILOILO CITY, Philippines – Lalo pang lumutang ang espekulasyon na lihim na sinusuportahan ni Pangulong Aquino si Sen. Grace Poe matapos dumalo ang huli sa kaarawan ng una noong Lunes.

Habang ayaw aminin ng Palasyo na kabilang si Presidential candidate Sen. Poe sa naging bisita ni PNoy sa birthday nito noong Pebrero 8 sa Bahay Pangarap ay kinumpirma naman ng isang senatorial candidate na naroroon nga ang kalaban ni LP bet Mar Roxas.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, wala siyang impormasyon ng tanu­ngin kung dumalo si Poe sa 56th birthday ni Pangulong Aquino.

Pero kinumpirma ni senatorial candidate Joel Villanueva na dumalo si Poe kung saan ay naroroon din ang pambato ng administrasyon na si Roxas.

Hindi umano kasama ni Poe ang kanyang runningmate na si Sen. Chiz Escudero.

Magugunita na ilang ulit sinuyo ni PNoy si Poe upang maging runningmate ni Roxas subalit hindi pumayag si Poe hanggang sa tuluyang tumakbong presidente ka-tandem si Escudero.

Dahil sa pagtanggi ni Poe ay biglang nagsulputan ang mga reklamo laban sa senadora tulad ng paghahain dito ng disqualification case at pagkuwestyon sa citizenship at residency issue nito.

May ugong din na sikretong sinusuportahan ni PNoy si Poe kahit piniling manok nito si Roxas pero pinabulaanan ito ng Malacañang. 

Sa panayam naman kay Poe sa Cebu, inamin nito na dumalo nga siya sa b-day ni PNoy bilang isang kaibigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with