^

Bansa

Kandidatong tututok sa korapsyon ang piliin - Tugna

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ni House Deputy Majority leader at CIBAC partylist Rep.Sherwin Tugna ang publiko na pumili ng kandidato na tututok sa paglaban sa korapsyon sa gobyerno.

Ayon kay Tugna, higit kailanman ay kailangan ngayon ang mga matinding tutok sa isyu ng korapsyon na siyang pangunahing dahilan ng kakulangan ng maayos na serbisyo sa pamahalaan.

Ang pahayag ng kongresista ay ginawa nito sa consultation meeting at dialog nito sa mga residente at lider ng Brgy Holy Spirit Quezon City, kahapon ng tanghali.

Naniniwala si Cong. Tugna, na nasa ikalawang termino nito sa Kongreso, na ang hinaing ng mga nasa barangay ay sumasalamin sa mga hinaing ng bawat Pilipino tulad halimbawa ng usad-pagong na paglabas ng plaka ng kanilang mga sasakyan at mga lisensya na talagang nagdudulot sa kanila ng sakit ng ulo. 

Bukod dito may naglabas din ng sama ng loob tungkol sa hirap na dinaranas sa araw-araw na byahe dahil sa kakulangan ng mass transport system. At dahil sa problema ng matinding trapiko, marami sa kanila ang nagtitiis sa kalbaryo ng pakikipagsiksikan sa MRT makarating lang sa kanilang mga trabaho at destinasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with