^

Bansa

LRTA execs pinakakasuhan ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinakakasuhan ng tanggapan ng Ombudsman ng graft ang matataas na opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA) matapos mapatunayang guilty sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) kaugnay sa maanomalyang maintenance at janitorial contracts ng ahensiya.

Pinakakasuhan sina dating LRTA Administrator Melquiades Robles, Federico Canar, Jr., Dennis Francisco, Evelyn Macalino, Marilou Liscano, Elmo Stephen Triste, Eduardo Abiva, Nicholas Ombao, Roger Vaño, Maynard Tolosa at Juliet Labisto kasama ang mga service providers na sina Lilia Diaz at Dennis Acorda sa joint venture (JV) ng COMM Builders and Technology Philippines Corp., PMP Inc. and Gradski Soabracaj GRAS.

Napatunayan din ng Ombudsman na sina Canar, Francisco, Triste, Macalino, Liscano, Abiva, Ombao, Vaño, Tolosa at Labisto  ay guilty sa Misconduct kayat ang mga ito ay pinasususpinde sa tungkulin sa loob ng anim na buwan.

Kung wala na sa serbisyo, ang suspension ay convertible sa fine na katumbas ng anim na buwang sahod ng mga akusado.

Sinasabing noong January 2009, ang LRTA ay pumasok sa kontrata sa JV para sa preventive at corrective maintenance ng mga trains, rails at depot facilities ng LRT Line 1. Sa ilalim ng kontrata, ang JV ang magbibigay ng 793 workers at janitors sa mga lugar ng LRT line stations at rolling stocks. Ang combined cost nito ay may halagang P400.6 million.

Nadiskubre ng Ombudsman Field Investigation Office na umaabot lamang sa 209 personnel ang naipadalang tauhan ng JV sa mga LRT stations at depots at ang disbursement vouchers ng monthly transactions ay naisagawa kahit walang payrolls.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with