^

Bansa

Sa Binay presidency: Tax free sa sumasahod ng P30K pababa

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na bubuwisan ang mga kumikita ng P30,000 at pababa kada-buwan sa Binay administration.

Ang ginhawang  tap­yas buwis ay isa sa mga ilalaban ng pambato ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Jejomar Binay.

Kayang-kaya ang tapyas buwis sa kadahilanan na ang ma­wawalang P30 bilyon sa kaban ng gobyerno ay wala pa isang porsi­yento sa inaapruba­hang bad­yet ng gobyerno nga­yong 2016 na P1.3 trillion, ayon kay Binay.

Kayang-kaya ding bawiin ang mawawalang pondo sa isang masinsi­nang pagsupo ng smuggling, diin pa ni Binay.

Halos P230-bilyon ang nawawala sa mga smugglers ng bigas, bawang at iba pang produktong agrikultura noong nakaraang taon sa kasalukuyang admi­nistrasyong Aquino. Halos hindi rin binabanggit ng Liberal Party ang malalang isyu ng smuggling.

Maliban pa sa agriculture smuggling, halos P30 bilyon din ang nawawala sa oil smuggling at halos P12 bilyon sa tobacco smuggling.

Ang tapyas-buwis din ay laking tulong sa pang araw-araw na gastos sa pamilyang Pilipino, ayon kay Binay.

Bukod sa dagdag kita, mas maraming ma­bibili ang bawat pamil­yang Filipino na maka­tulong sa kanilang buhay at sa ating ekonomiya, diin ni Binay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with