^

Bansa

Kampanya ng mga pulitiko simula na ngayong araw

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Opisyal nang nagsimula ngayong araw ang pangangampaniya ng nga kandidato para sa eleksyon sa Mayo.

Magsasagawa ng mga hiwa-hiwalay na proclamation rallies ngayong araw ang mga kandidato para sa presidente at bise-presidente.

Sina Bise-Presidente Jejomar Binay at ang kanyang running-mate na si Sen. Gringo Honasan, na tumatakbong presidente at bise-presidente sa hanay ng United Nationalist Alliance, ay mangangampanya sa Welfareville village sa Mandaluyong City.

Sina Sen. Grace Poe at Sen. Francis Escudero naman ay mangangampanya sa Plaza Miranda sa Maynila kasama ang iba pa nilang kapartido sa Partido Galing at Puso.

Sa Roxas City, Capiz naman magsisimula ang pangangampaniya presidential candidate na si Manuel Roxas II at vice-president candidate Camarines Sur Rep. Leni Robredo, kasama ang iba pa nilang kapartido sa Partido Liberal.

Makakadaupang-palad naman ng mga taga Tondo sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano, na tumatakbong presidente at bise-presidente, na gagawin sa mga kalye ng Zamora at Morga.

Sa baluarte naman ni aspiring vice-president Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na Batac, Ilocos Norte sila mangangampanya ng kanyang presidential tandem na si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Solo namang mangangampanya si vice-president independent candidate Sen. Antonio Trillanes IV sa General Santos City sa Miyerkules.

Tatagal ng tatlong buwan ang campaign period na magtatapos sa Mayo 7. Ang eleksyon ay magaganap sa Mayo 9. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with