^

Bansa

NPC wala pang susuportahang presidentiable

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa rin nakaka­pagdesisyon ng Nationalist Peoples’s Coalition (NPC) kung sino sa mga presidentiables ang susuportahang kandidato sa darating na eleksyon.

Sinabi ni Quezon 1st district Rep. Mark Enverga, na humihingi pa ng dagdag na panahon ang Executive committee ng kanilang partido para maglabas ng pinal na desisyon.

Giit pa ni Enverga na dalawang linggo ang inihirit na panahon ng execom ng NPC para ideklara kung sino sa mga presidentiables ang kanilang susuportahan.

Magugunita na ang mga presidentiables ay isa isa nang kinilatis ng NPC para makita ang plataporma ng mga ito.

Paliwanag naman ni Enverga, na posibleng hinihintay pa ng execom ang unang sigwada ng kampanya ngayong araw upang makita kung may dagdag sa plataporma ang mga presidentiables.

Maaaring makakatulong umano ito para sa pagtimbang sa kung sino sa mga nagha­hangad ng panguluhan ang kanilang papaboran.

Ang NPC ang ikalawa sa pinakamalaking partidong politikal sa bansa sa kasalukuyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with