^

Bansa

Señeres pumanaw na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumanaw na si OFW Family Club Partylist Rep. Roy Señeres kahapon ng umaga. 

Kinumpirma ng anak ni Rep. Seneres na si RJ na pumanaw na kahapon bandang alas-8:07 ng umaga ang kanyang ama dahil sa cardiac-pulmonary arrest. Si Señeres ay 68- taong gulang.

“Nagulat din kami. Ang importante po rito ay he’s already pain free and he’s resting well,” wika ni RJ sa DZMM.

Magugunita na nag-withdraw ng kanyang kandidatura bilang pa­ngulo si Rep. Señeres noong Biyernes sa pamamagitan ng kanyang isang anak sa Commission on Elections (Comelec) dahil sa health reasons.

“Nakikiramay kami sa kanyang pamilya. Siya ay nagtaguyod sa kapaka­nan ng mga manggagawa bilang tagapangulo ng NLRC at ng italaga siya sa Gitnang Sila­ngan bilang Ambassador,” pahayag naman ng Malacañang sa pamamagitan ni Communications Sec. Sonny Coloma. 

Nagdadalamhati naman ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ni Señeres. 

Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, si Señeres ay isa umanong mabuting kaibigan at parang ama sa kanya.

Isa sa kaniyang me­mories kay Señeres ay nang dinala siya ng dating Ambassador sa Chinatown para kumunsulta sa isang Chinese fortune teller.

Sinabi ni Erice na noong mga nakalipas na buwan ay napansin na niyang mahina na si Señeres, bagama’t pumapasok pa rin sa Kamara.

Pinuri naman ni Reps. Carlos Zarate, Neri Colmenares, Roman Romulo at Rodel Batocabe ang pagiging “passionate advocate” ni Señeres pagdating sa kapakanan at karapatan ng mga OFW.

Ayon kay Zarate, si Señeres ay aktibo sa committee at plenary deli­berations kapag ukol sa OFWs ang isyu bukod dito kilala rin umano ito bilang isang pala-kaibigan.

Sa panig ni Colmenares, nakakagulat ang biglaang pagpanaw ni Señeres lalo’t hindi umano nakitaan ang Kongresista ng matinding sakit.

Idinagdag naman ni Romulo, si Señeres ay hindi malilimutan ng bansa dahil sa paninindigan nito para maprotektahan ang mga manggagawang Pinoy.

Para naman kay Batocabe, nalulungkot ang buong partylist coalition sa pagkasawi ni Señeres na kilala bilang kampeon ng mga OFW at lumalaban para sa interes ng mga ito.

Matagal na rin may sakit na diabetes ang kongresista at ito rin ang dahilan kaya nag-withdraw ng kanyang Presidential bid para sa May elections. (Rudy Andal/Gemma Garcia)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with