^

Bansa

‘Grace is my sis’ – Bongbong

Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Walang masama kung si Grace Poe ang manalong Pangulo because she is my sister.”

Ito ang pabirong pahayag ni Sen. Marcos na kumakandidato sa pagka-bise presidente na ang Pangulo ay si Sen. Miriam Santiago.

Si Marcos ay bumisita sa tanggapan ng Philippine Star at Pilipino Star Ngayon ay kinapanayam ng mga editors at kolum­nista.

Tinanong siya kung papaano kung ibang Pre­sidente ang maihahalal at siya ang mananalong bise. Aniya wala siyang problema sa lahat ng presidential bets.

Si Rodrigo Duterte aniya ay kaibigan niya, si Mar Roxas ay pinsan ng kanyang asawa at si Jojo Binay naman ay taga-Norte.

“Wala akong nakikitang problema sino man ang magwagi sa kanila,” anang Senador.

Ang batang Marcos ay pumapangalawa sa mga most preferred vice presidential bets kasunod ni Sen. Chiz Escudero na katambal ni presidential candidate Grace Poe.

Sinabi rin ni Marcos na ang sinabi niya noon na handa siyang sumailalim sa DNA test para kay Poe ay isa lamang “biro” dahil sa kakulitan ng maraming nagtatanong kung ang Senadora ay talagang anak ni yumaong presidente Ferdinand E. Marcos sa isang dating artista.

“Para matapos na ang katatanong, sinabi ko na lang na handa akong magpa-DNA test” aniya.

Idinagdag din niya na ipinasya niyang tumakbo sa mas mataas na posis­yon dahil mas sanay siya sa gawain ng ehekutibo dahil naging gobernador siya  sa Ilocos Norte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with