^

Bansa

Kampanya ni Digong umpisa sa Tondo

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Tugon sa dekada ng kapabayaan – Bagatsing 

MANILA, Philippines – Ibabandera ng tandem nina PDP-Laban presidential candidate Rodrigo Duterte at vice presidential bet Sen. Alan Peter Cayetano sa Tondo, Manila sa Martes ang pagsisimula ng kanilang campaign sorties upang i-dramatize ang kanilang kampanya na iligtas ang mayorya ng mga Filipino sa kahirapan at pananalasa ng kriminalidad at droga sa bansa.

Ayon kay Manila ma­yoralty candidate Amado S. Bagatsing, isang mala­king karangalan para sa mga taga-Maynila na pinili ni Duterte ang Tondo bilang panimulang hudyat ng kampanya nito para maging ika-16 na presidente ng Pilipinas.

“Sa Tondo isinilang si Gat Andres Bonifacio na ang katapangan sa pagsisimula ng himagsikang Pilipino laban sa mga kolonyalistang Kastila ay walang kapantay,” diin ni Bagatsing.

“Merong magkakatulad na katangian sina Bonifacio at Duterte bukod sa parehong ipinanganak na mahirap. Dadagundong ang buong Tondo at Maynila sa pagtanggap kay Pangulong Duterte,” dagdag ni Ba­gatsing na tumatakbong alkalde sa Maynila.

Idiniin pa ni Bagat­sing na napabayaan ng mga lokal at pambansang lider ng pamahalaan ang Tondo sa paglipas ng mga dekada kaya ito ngayon ang sumasalamin sa tunay na estado ng mara­ming Filipino na napapariwara sa kriminalidad.

“Sinasalamin ng Tondo ang tunay na kalagayan at imahe ng mga Pilipino na nagsisikap na makakawala sa lubhang kahirapan. Bilang alkalde ng Maynila kasama si Presidente Duterte sa Malacañang, gagawin naming makabagong pamayanan ang Tondo na merong mga trabaho at libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga residente,” sabi pa ni Bagatsing.

Ang kandidatura ni Bagatsing bilang Mayor ng Maynila ay inindorso ni Duterte, na naniguro na gagamitan niya ng “iron fist” ang mga pasaway ng lipunan na tatalikod sa “Tunay na Pagbabago” na inio-offer ng kanyang administrasyon.

“Kapag may katahimikan at kapayapaan ay may tunay na kaunlaran. Sa ilalim ng administrasyong Duterte, muling makapag­lalakad at makapagtatrabaho sa gabi ang ating mga mamamayan nang wa­lang pangamba sa kanilang kaligtasan,” dagdag niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with