^

Bansa

Mar-Leni nanguna sa Monster survey

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanguna si Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas sa survey ng isang sikat na istasyon ng radyo sa FM na Monster Radio. Itinanong sa mga nakikinig kung ngayon gaganapin ang eleksyon ay sino ang kanilang kandidatong iboboto. Mula sa kabuuan ng 2,524 na bumoto ay 59% ang pumili kay Roxas.

Malayong pangalawa naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 31% ng mga boto. Pangatlo si Sen. Grace Poe, 7% at kulelat si Vice President Jejomar Binay, 3%.

Katulad ni Roxas ay wagi rin sa Monster Radio Survey ang kanyang running mate na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo. Nakakuha si Robredo ng 52% sa kabuuan ng mga bumoto, habang kalahati lamang ang nakuha ng pangalawa sa survey na si Sen. Bongbong Marcos, 25%.

Pangatlo si Sen. Allan Peter Cayetano, 13% at kulelat si Sen. Francis Escudero, 10%.

Ang Monster Radio ay ang pinakamaraming natanggap na award bilang FM Radio Station. Limang taon na rin itong Best FM Radio station ayon sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Lumabas ang survey ilang araw bago ang opisyal na simula ng campaign period para sa mga kandidato sa national positions.

Kung indikasyon ang survey na ito ay sumisipa na ang sinasabing “silent majority” na sumusuporta sa Tambalang Matuwid nina Roxas at Robredo. Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Aquino na lalabas ito at mangangampanya para kina Mar at Leni dahil sa paniniwala nitong walang ibang may kakayahan at katinuan na magtuloy ng magandang pamamahala na nasimulan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with