Missile test ng North Korea inalmahan ng Pinas!
MANILA, Philippines – Kinondena ng Pilipinas ang ginawang rocket testing ng North Korea na paglabag umano sa international laws.
“The Philippines condemns the DPRK’s launch of a long range rocket in violation of UN Security Council resolutions and international calls for DPRK to end its testing,” pahayag ng Department of Foreign Affairs.
Nanawagan din ang Pilipinas sa N. Korea na talikuran na nito ang kanilang nuclear at ballistic missile technology programs para sa seguridad ng buong mundo.
Base sa ulat, ang carrier rocket na Kwangmyongsong ay pinasabog mula sa Sohae Space Center na may trajectory sa Yellow Sea dakong alas-9 ng umaga nitong Linggo.
Ang pagpapakawala ng Kwangmyongsong 4-satellite ay mula sa personal na kautusan at direktiba ni N. Korean leader Kim Jong Un. Sinabi ng US at UN na “provocative” ang nasabing rocket testing.
Agad na nagpatawag kahapon ng UN Security Council sa New York ang Estados Unidos, Japan at South Korea upang pag-usapan ang panibagong paglunsad ng long-range missile ng North Korea.
- Latest