^

Bansa

Overseas job applicants, binalaan sa alok na trabaho sa email

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling binalaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga overseas job applicants laban sa mga trabahong iniaalok sa pamamagitan ng email.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac, dapat na maging maingat ang mga aplikante sa pagkonsidera sa mga ganitong uri ng iniaalok na employment dahil sa malaking posibilidad na peke ang mga ito.

Ang babala ay ginawa ni Cacdac matapos na makatanggap ng ulat mula sa Philippine Embassy sa Lisbon na marami pa ring kaso ng mga Pinoy doon na nabibiktima ng mga tiwaling indibidwal na nag-aalok ng trabaho sa email lamang.

Paalala ni Cacdac, posibleng gumagamit lamang ng mga tunay at may reputableng kumpanya ang mga naturang indibidwal upang makapambiktima ngunit pinapalitan naman ang contact information ng mga ito.

Madali naman kasi ani­yang makuha ang impormasyon ng kumpan­ya sa pamamagitan ng kanilang mga website.

Sa sandaling mapaniwala ang biktima ay dito na aniya hihingi ng bayad ang mga kawatan para sa Entry Clearance Certificates, International Overseas Employment Certificates (IOEC), at Affidavits of Guarantee Fund.

Paglilinaw naman ni Cacdac, ang naturang mga bayarin ay hindi naman nire-require ng Portuguese authorities.

Mayroon rin naman aniyang ibang kaso kung saan ang email recipient ay inuutusang makipag-transaksyon sa designated travel agency na siyang magpu-proseso ng kinakailangang dokumento at visa para sa job contract kapalit ng bayad.

Gayunman, sinabi ni Cacdac na dapat na mabatid ng publiko na ang malalaki at mga prestihiyosong kumpanya ay mayroong sariling human resource department na siyang personal na nag-i-interview sa mga aplikante at halos hindi sila kumukuha ng empleyado sa pamamagitan ng internet lamang.

Pinayuhan rin nito ang mga aplikante na bago mag-entertain ng anumang job offer, sa email man o hindi, ay beripikahin muna sa POEA ang authenticity nito upang hindi mabiktima ng mga tiwaling indibidwal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with