^

Bansa

Poster, tarpaulin pinababaklas ng Comelec

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na baklasin na ang kanilang mga poster at iba pang propaganda materials bago pa sumapit ang pagsisimula ng campaign period para sa 2016 national at local elections.

Kaugnay ito sa pagpapatupad ng Comelec Resolution 10049, na nagsisilbing Implemen­ting Rules and Regulations ng Fair Elections Act.

Sa Pebrero 9 ang simula ng kampanya para sa mga national candidates habang Marso 25 naman magsisimula ang panahon ng kampanya para sa local candidates.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, 72-oras bago ang simula ng kampanya para sa mga national candidates sa Pebrero 9, Martes, dapat ay tanggal na ang mga ipinagbabawal na propaganda materials.

Nagbabala rin si Bautista na pananagutin sa batas ang mga responsable sa paglalagay ng ipinagbabawal na campaign paraphernalias.

Aniya, hindi man matukoy ang mga responsable ay ipagpapalagay na mismong ang kandidato o partido ang nakagawa ng election offense.

Nabatid na sa ilalim ng IRR ng Fair Elections Act, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign materials sa labas ng mga common poster areas, sa mga pampublikong lugar at sa mga pribadong property kung walang pahintulot ng may-ari.

Ang mga itinuturing na public places ay mga electronic announcement boards, mga sasakyan, ambulansya, patrol car na pag-aari ng gobyerno, mga waiting shed, sidewalk, street at lamp posts, electric posts, overpass, underpass, flyover, mga tulay center island ng mga kalsada, public structures, MRT, LRT, PNR trains, at mga transport terminal na pag-aari at kontrolado ng gobyerno.

Kaugnay nito, kaha­pon ay nagdaos ang Co­melec ng mock election sa Pura Kalaw Elementary School sa Quezon City.

Inaasahan na rin namang makukumpleto na sa susunod na dalawang linggo ang pagsusuri na isinasagawa sa mga vote counting machines na nakaimbak sa bodega sa Sta. Rosa, Laguna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with