^

Bansa

Umento may pag-asa pa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit nabigong maipasa ang Salary Standardization Law (SSL) 4 bago nagbakasyon ang Kongreso, ipinahiwatig kahapon ng Malacañang na may pag-asa pang magkaroon ng pagtaas sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno dahil patuloy itong pinag-aaralan ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Usec. Manuel Quezon III ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office, mismong ang Department of Budget and Management (DBM) naman ay nagsabing may nakabukod ng pondo na para sa salary increase at may kapangyarihan ang Pa­ngulo upang simulan ang pagbibigay ng increase sa pamamagitan ng tinatawag na “first trance”.

Pero nilinaw ni Quezon na kung ano man ang magiging desisyon ng Pangulo sa pagpapatupad ng increase, hindi ito nakabatay sa kagustuhan na maging popular kung hindi sa kung ano ang makabubuti sa nakararami.

Ayon pa kay Quezon, dapat hintayin na lamang ang desisyon ng Pangulo lalo pa’t mayroon na namang datos mula sa DBM kaugnay sa panukalang SSL 4.

Sa panukala na ipatupad ang increase sa pamamagitan ng Executive Order, sinabi ni Quezon na posibleng ginagawa na ang draft nito. (Malou Escudero)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with