^

Bansa

Sa pag-alma ng Taiwan vs freedom voyage Wala silang karapatan —AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang karapatan ang Taiwan o ang sinuman na magreklamo!

Ito ang reaksyon kahapon ng Armed For-ces of the Philippines (AFP) sa pakikiisa ng Taiwan sa China ma­tapos itong umalma na rin sa isinagawang ‘freedom voyage’ ng isang grupo ng mga ka­bataang estudyante upang iprotesta at igiit na pag-aari ng Pilipinas ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“They did not disturb or harm anyone. We find no reasons for others to complain,” pahayag ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla bilang tugon sa pagpalag ng Taiwan sa ‘freedom vo-yage’ ng “Kalayaan Atin Eto” ng isang grupo ng mga kabataan.

Una nang kinuwes­tiyon at ikinagalit ng China ang nasabing ‘freedom voyage’ dahil pinaiinit umano ng mga kabataang estudyante ang tensiyon sa kanilang pag-aaring teritoryo.

Ang grupo ng mga kabataan na nasa 47 ang bilang ay nakara-ting at nag-camping sa Pagasa Island, isa sa mga islang inookupa ng Pilipinas sa West Philippine Sea noong Disyembre 27. Samantala 38 pa sa mga ito ay naiwan sa Puerto Princesa City, Palawan.

Si dating Marine Capt. Nicanor Faeldon, isa sa mga namuno sa Oakwood mutiny ang nag-organisa at nagsusuperbisa sa naturang ‘freedom voyage’ .

Nabatid na pinalagan ng Taiwan Ministry of Foreign Affairs  ang naturang ‘freedom voyage’ dahil nakakasira umano ito sa kapaya­paan, istabilidad sa isyu ng West Philippine Sea at nilalabag rin ng mga kabataang estudyante ang soberenya ng kanilang bansa.

Samantalang nagpahayag pa ang nasabing grupo ng mga kabataan na matapos ang Bagong Taon ay ipagpapatuloy nila ang pagproprotesta upang igiit sa mga kaagaw na bansa lalo na sa China na pag-aari talaga ng Pilipinas ang inaagaw ng mga itong teritoryo.

Idinagdag pa ng AFP spokesman na ti­nangka ng AFP na pigilan ang grupo ng mga kabataan na maglayag patungong Pagasa Island pero hindi nagpaawat ang mga ito at itinuloy ang kanilang plano.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMED FOR

BAGONG TAON

KALAYAAN ATIN ETO

MARINE CAPT

MGA

NICANOR FAELDON

PAGASA ISLAND

PILIPINAS

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with