^

Bansa

Bata, kabataang nagkaka-HIV dumarami

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga bata at kabataang nagkakaroon ng human immunodeficiency virus (HIV) sa nakalipas na limang taon.

Batay sa datos ng DOH Epidemiology Bureau, 974 o tatlong porsiyento ng kaso ng HIV simula 1984 ay kinabibilangan ng mga kabataan o nasa edad 19 pababa habang 80 porsiyento naman ang bata.

Nabatid na noong Oktubre ay naitala sa HIV/ AIDS and ART Registry of the Philippines ang pagkakaroon ng infection ng isang apat na taong gulang na bata at 22 katao na nasa edad 12-19.

Lumilitaw na isang bata at kabataan ay nagkaroon ng infection dahil sa mother-to-child transmission habang ang iba naman ay nakuha ang impeksiyon dahil na rin sa sexual transmission.

Aminado rin ang health department na ang pagtaas ng HIV case ay dahil sa transactional sex o pakikipag­talik ng may bayad.

Ayon kay Health Secretary Janette Garin, nakakalungkot lamang na patuloy ang pagtaas ng bilang ng HIV cases sa bansa habang bumababa naman sa ibang bansa.

Mas nakakabahala  aniya na ang mga nagkakaroon ng HIV infections ay pabata ng pabata kaya’t pinag-iisipan ng DOH ang pagsasagawa ng anti-HIV/AIDS campaign sa mga paaralan.

Kailangan aniya na mabigyan ng proteksiyon ang kalusugan ng mga susunod na henerasyon.

vuukle comment

ACIRC

AMINADO

ANG

AYON

BATAY

DEPARTMENT OF HEALTH

EPIDEMIOLOGY BUREAU

HEALTH SECRETARY JANETTE GARIN

HIV

INIULAT

REGISTRY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with