^

Bansa

Duterte problema ang kalusugan

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

DAVAO CITY, Philippines – Aminado si Davao City Ma­yor Rod­rigo Duterte na posib­leng maging problema niya ang kanyang kalusugan sakaling mahalal siya bilang presidente sa 2016 elections.

Subalit nilinaw ni Duterte na wala siyang anumang sakit kundi nababahala lang ito dahil baka hindi kayanin ang sobrang pressure at mga malalayong biyahe at kadalasan ay nagkukulang pa siya sa tulog.

Nagbiro naman ang Alkalde na “I have to ask my women” upang malaman kung gaano pa ito ka fit para maging presidente.

Kasabay ng pag-amin na may tatlo siyang babae subalit hindi umano nabubuhay sa pera ang mga ito at sa katunayan ay P1,500 lang binibigay niyang mga budget para dito at sa boarding house lang nakatira ang mga ito.

Aminado rin si Duterte na mayroon siyang naka relasyong taga “media” personnel na taga Maynila.

Subalit iginiit nito na kailangan niyang maging honest o tapat pagdating sa kanyang kalusugan.

Isinaalang-alang umano niya na sa pagiging pangulo hindi lamang 24 oras ang trabaho at dapat mai-stretch ito dahil sa dami ng dapat gawin.

Kaya sa ngayon ay hindi umano masiguro kung kakayanin niya “physically” ang maging presidente.

vuukle comment

ACIRC

ALKALDE

AMINADO

ANG

DAVAO CITY MA

DUTERTE

ISINAALANG

KASABAY

KAYA

MAYNILA

SUBALIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with