^

Bansa

Magagaling sa Gabinete ni PNoy ‘di papalitan - Poe

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mananatili sa puwesto ang pinakamahuhusay na miyembro ng gabinete ni Presidente Aquino sakaling si Sen. Grace Poe ang mananalo sa halalan sa 2016.

Pero sinabi rin ni Poe na sa ilalim ng bagong administrasyon, papanagutin ang sinumang papalpak sa kanilang trabaho.

Ginawa ni Poe ang pahayag sa harap ng mga dumalo sa “Meet your Candidate” na inorganisa ng Harvard Club of the Philippines, Kellogg School of Management at Wharton-Penn Alumni Association.

Ayon kay Poe, papipirmahin niya ang magiging miyembro ng kaniyang gabinete ng “commitment forms” na naglalaman ng detalyadong mga gawain at mga proyektong dapat nilang gawin, at kung hindi magawa nang mahusay ang ipinatatrabaho sa kanya, pananagutin ang naturang opisyal.

Hindi aniya dapat nakasalalay ang pagtatalaga o pagsisibak ng mga tao sa gabinete sa utang na loob o sa partidong kinabibilangan, sabi ni Poe.

vuukle comment

ANG

AYON

GINAWA

GRACE POE

HARVARD CLUB OF THE PHILIPPINES

KELLOGG SCHOOL OF MANAGEMENT

MANANATILI

PERO

POE

PRESIDENTE AQUINO

WHARTON-PENN ALUMNI ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with