^

Bansa

Lower income tax bill isinuko na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluyan nang isinuko ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang panukalang pagbaba sa income tax rate.

Paliwanag ni Belmonte, kapos na sa panahon ang kasalukuyang Kongreso para pagtibayin ang panukala.

Bukod dito, mahirap anyang isulong ang Lower Income Tax Rate Bill, maliban na lamang kung isang daang porsyentong susuportahan ito ni Pa­ngulong Aquino.

Dahil dito kaya mas makabubuti umano kung ipauubaya na lamang sa 17th Congress ang kapalaran ng naturang panukala.

Sa ngayon, sinabi ni Belmonte na itutuon na lamang ng Kamara ang atensyon sa iba pang mga nakabinbin at mahahalagang panukalang batas.

Sa Kamara, ang author ng Lower Income Tax Rate bill ay si Marikina Rep. Miro Quimbo, habang si Sen. Sonny Angara sa Senado.

Subalit sa kabila ng masigasig na pagsusulong nina Quimbo at Angara sa panukala, ayaw pa rin ni PNoy sa tinagurian niyang “pogi bill.” 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGARA

BELMONTE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

LOWER INCOME TAX RATE

LOWER INCOME TAX RATE BILL

MARIKINA REP

MIRO QUIMBO

SA KAMARA

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with