^

Bansa

Binay nangako ng mas mababang buwis sa 2016

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habang walang balak ibaba ng administrasyong Aquino ang buwis sa bansa, nangako naman si Bise Presidente Jejomar Binay na ibababa ito kung mananalong pangulo sa 2016.

Sinabi ni Binay sa oath taking ng mga miyembro ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Cebu na uunahin niya itong asikasuhin kapag nakaupo na sa pinakamataas na posisyon ng gobyerno.

"Sa administrasyon ng partido UNA (United Nationalist Alliance), na pinamumunuan ni Jojo Binay, uunahin nating gumawa ng reporma sa tax system," pahayag ng bise presidente ngayong Biyernes.

Isa sa mga dahilan ni Pangulog Benigno Aquino III sa kaniyang pagtangging ibaba ang buwis ang maaapektuhang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue na makaaapekto sa ekonomiya ng bansa.

"Nililito pa nga tayo na kung mangyayari po ang pagbaba ng income tax ay malaki daw pero sa katotohanan may magandang kita ang ating pamahalaan. Hindi po talaga mawawalan ng pera ang ating pamahalaaan," paliwanag ni Binay na iniintindi ang pasanin ng mga nasa working class ng lipunan.

Sinabi pa ni Binay na malaki ang pondo ng kasalukuyang administrasyon ngunit hindi lamang tama ang paggamit dito.

Isa sa mga binigay niyang halimbawa ay ang kinakailangang pondo ng housing na P75 milyon ngunit P21 milyon lamang ang inilabas.

"Ang problema, mga kababayan, ay ang makupad, mabagal, 'teka-teka' at 'analysis by paralysis' na paglalabas ng pera ng Department of Budget and Management o DBM na pinamumunuan ng sikat na si Butch Abad," wika ng bise presidente.

Nitong Hunyo nang magbitiw si Binay sa gabinete ni Aquino bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Makakalaban ni Binay sa darating na eleksyon sina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at independent candidate Sen. Grace Poe.

vuukle comment

ANG

AQUINO

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BUTCH ABAD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GRACE POE

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

ISA

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with