^

Bansa

Tolentino naduwag sa Gabriela

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi sinipot ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang budget hearing ng ahensiya nito sa Kamara.

Kahit hindi nakadalo si Tolentino, nag-ingay pa rin ang grupong Gabriela bilang pagtuligsa sa pagsasayaw ng malaswa ng grupong Playgirls sa kaarawan ni Laguna Rep. Benjamin Agarrao noong nakaraang linggo.

Ayon kay Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus na bastos at naduwag si Tolentino na humarap sa Kamara dahil tiyak na masusukol ito tungkol sa “twerk scandal” na umano’y isang paglapastangan sa imahe ng mga kababaihan at malinaw na larawan ng isang bulok na pulitika. Giit pa ni de Jesus na malaki ang problema sa daloy trapiko sa Metro Manila subalit kung ano-anong kabulastugan umano ang ginagawa nito.

Dahil dito kaya inakusahan ng militanteng grupo na ginagamit ni Tolentino ang pondo ng MMDA na pang regalo,

Para naman kay Misty Lorin, secretary General ng Gabriela, ang mga MMDA personnel na naghihirap sa trapik ay napakaliit ng sweldo at hindi mapaglaanan ng umento sa budget ng ahensya samantalang may nailalaan para sa mga kalokohan ni Tolentino na maituturing na walang kuwentang public servant na may gana pang tumakbo bilang Senador.

vuukle comment

ANG

AYON

BENJAMIN AGARRAO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DAHIL

GABRIELA

KAMARA

LAGUNA REP

METRO MANILA

MISTY LORIN

TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with