^

Bansa

PNoy, ratsada ang ratings

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pitong buwan matapos bumaba ang ratings pagkatapos ng madugong engkuwentro sa Mamamasapano ay rumatsada ang ratings ni Pangulong Noynoy Aquino sa pina­kabagong survey ng Social Weather Stations o SWS.?

Sa third quarter ng taon ay nasa 64% ang gross satisfaction ni PNoy, na umangat mula 57% mula nung second quarter.

Tumaas sa halos lahat ng sektor ang mga rating ng Pangulo, maliban na lamang sa Mindanao kung saan nabawasan ito ng 2%.?

Taliwas ang resulta ng mga nakaraang survey sa mga prediksyon ng ilang political analyst na “lame duck” or patuloy na ang pagbagsak ng ra­ting ni PNoy kaya’t wala nang masyadong bigat ang pag-endorso niya kay Mar Roxas bilang kandidato ng administrasyon sa pagpapatuloy ng Daang Matuwid.

Inaasahang malaki ang magiging epekto ng patuloy na pag-angat ng ratings ni PNoy sa pag-eendorso niya kay Roxas, na umaangat na rin sa mga iba’t ibang survey na lumalabas tungkol sa halalan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAANG MATUWID

INAASAHANG

MAMAMASAPANO

MAR ROXAS

MINDANAO

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PITONG

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with