^

Bansa

Poe nagdeklara, tatakbong presidente sa 2016!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Ako po si Grace Poe, Filipino, anak, asawa, at ina. Inaalay ko po sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong pangulo.”

Ito ang huling linya na binanggit kahapon ni Senator Grace Poe sa kanyang talumpati matapos pormal na ihayag na tatakbong pangulo ng bansa sa 2016 sa Bahay ng Alumni sa University of the Philippines sa Quezon City.

Inilatag ni Poe ang 20 adhikain at mga dapat gawin kapag siya ang nahalal na pangulo ng bansa.

Kabilang dito ang pagsasaayos sa edukasyon, pagpapayabong sa sektor ng agrikultura, pagsasaayos at pagdadagdag ng mga imprastruktura, mabagal na internet, at paglikha ng trabaho.

Binanggit din ni Poe ang layunin na labanan ang katiwalian na sinimulan na umano ni Pangulong Aquino.

Nangako si Poe na pananagutin rin niya ang mga tiwali kaibigan man ito o kaaway at kahala­gahan na maipasa ang Freedom of Information (FOI) bill.

Ipinangako rin ni Poe na ibababa ang binabayarang buwis ng mga Filipino na pinakamataas aniya sa buong mundo.

Maging ang pagpapababa ng presyo ng kuryente ay ipinangako rin ni Poe.

Dapat din aniyang ala­gaan ang mga OFWs at bawasan ang kanilang mga fees na binabayaran bago makalabas ng bansa.

Kabilang rin aniya sa mga dapat sugpuin ang krimen at droga na isa niyang personal na krusada bilang isang ina.

Idineklara rin ni Poe na sa Pilipinas ang West Philip­pine Sea at dapat itong ipaglaban sa mapayapang paraan.

Dumalo sa nasabing okasyon ang ina ni Poe na si Susan Roces, asa­wang si Niel Llamanzares at kanilang mga anak, at maging mga kaibigan sa showbiz.

vuukle comment

ACIRC

ANG

FREEDOM OF INFORMATION

GRACE POE

KABILANG

MGA

NIEL LLAMANZARES

PANGULONG AQUINO

POE

QUEZON CITY

SENATOR GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with