^

Bansa

HPG subukan muna sa EDSA - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng Malacañang sa publiko na maging positibo ang pananaw sa pagtatalaga ni Pangulong Aquino sa PNP-Highway Patrol Group (HPG) upang mamahala at maka­tulong sa pagbibigay solusyon sa matinding trapiko sa EDSA.

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., bigyan muna ng pagkakataon ang PNP-HPG na ipakita ang kanilang kahusayan gayundin ang kanilang tapat na paglilingkod.

Nakiusap din ang Palasyo sa publiko na isumbong ang kanilang makikitang pag-abuso at pangongotong ng traffic enforcers dahil hindi ito kukunsintihin ng gobyerno.

Nilinaw din ni Coloma na bilang PNP members ay mayroong dalang armas ang HPG na magmamantine ng trapiko sa EDSA bukod sa may mga motorsiklo ang mga ito upang mabilis na humabol sa sinumang lalabag sa trapiko na magtatangkang takasan ang mga awtoridad.

Aniya, marami pang mga panukala na pinag-aaralan ngayon upang malutas ang tumitinding traffic sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila tulad ng pagpapatupad ng odd-even scheme bukod pa sa ginagawang konsultasyon sa mga provincial bus operators hinggil sa mga dadaanan ng provincial buses dahil kasama din sila sa vehicle load sa EDSA.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANIYA

ATILDE

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

HERMINIO COLOMA JR.

HIGHWAY PATROL GROUP

HINILING

METRO MANILA

PANGULONG AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with