Duterte magandang kandidato sa 2016 – Villar
MANILA, Philippines – Naniniwala si Sen. Cynthia Villar na magandang kandidato para sa pagkapangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa susunod na taon.
Sinabi ni Villar na maraming nagawang maganda si Duterte sa kaniyang nasasakupan kaya naman isa ito sa mga magandang katangian ng alkalde.
”He knows the problem because he has been in the local government for a long time. He knows the problem of the country. He has done a lot for Davao City. He will be a good candidate,” pahayag ng senador kahapon.
Samantala, kahit naniniwala si Villar na magandang kandidato si Duterte ay pinabulaanan naman niya ang mga ulat na nakipagsanib puwersa na sila sa Partidong Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan ng alkalde.
Sinabi ng senadora na wala pang desisyon ang NP para sa 2016 dahil nakasalalay ito sa tatakbuhan nina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
”We will ask Sen. Marcos, Sen. Cayetano, they are the one who will decide, not us. We are waiting for them,.”
Bukod kay Duterte, isa rin sa mga maaaring suportahan ng NP si Sen. Grace Poe, habang malabo kay Bise Presidente Jejomar “Jojo” Binay dahil karibal ito nina Sen. Antonio Trillanes IV at Cayetano.
- Latest