^

Bansa

De Lima dapat nang magbitiw - Roque

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala ang isang law expert na dapat nang magbitiw sa puwesto si Justice Sec. Leila de Lima kasunod na rin ng panawagan ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Ayon kay Atty. Harry Roque ng UP College of Law, ang public perception sa ngayon ay ginagamit ni de Lima ang kaniyang posisyon para sa kaniyang kandidatura sa 2016 elections.

Nagpahayag ng pangamba ang mga INC members na ang pagbibigay importansya ni de Lima sa kasong isinampa ng itiniwalag na ministro ng INC na si Isaias Samson Jr. ay bahagi ng pressure mula sa administrasyon para matiyak na makuha ang bloc vote ng INC.

Sinabi ni Roque na maaring maakusahan si de Lima ng grave abuse of power lalo pa at naianunsyo na niyang siya ay tatakbo sa 2016.

May mga akusasyon kasi na para mapilitan ang INC na ibigay ang bloc vote sa mga kandidato ng administrasyon ay ginigipit ni de Lima ang nasabing religious group gamit ang isinampang kaso ni Samson.

Sinabi pa ni Roque na hindi rin pwedeng akusahan ng economic sabotage ang mga INC members na tahimik na nagra-rally sa Edsa, Mandaluyong City. May karampatang permiso sila mula sa lokal na pamahalaan, wika niya.

Bukod dito, mayroon na aniyang jurisprudence sa kasong Reyes vs Bagatsing kung saan sinabing ang mga lansangan ay maaring gamitin ng publiko para sa mga pagtitipon gaya ng ginawa ng INC.

vuukle comment

ANG

AYON

BAGATSING

BUKOD

COLLEGE OF LAW

HARRY ROQUE

ISAIAS SAMSON JR.

JUSTICE SEC

MANDALUYONG CITY

MGA

SINABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with