^

Bansa

5 taong ‘pagwawaldas’ binira ni Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang datos na iprini­sinta ni Pangulong Benigno C. Aquino III sa huli niyang State of the Nation Address noong nakaraang linggo hinggil sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa  ay tumatabon sa ‘masakit na katotohanan’ na iilan lang kabilang ang mayayamang Pilipino at mga taong malapit sa Presidente ang nakinabang sa ipinagmamalaking paglago ng ekonomiya habang mayorya ng mga Pilipino ay nananatiling maralita, nagugutom at walang trabaho.

Ito ang tinuran ni Vice President Jejomar Binay sa sarili niyang bersyon ng SONA na tinatawag na True State of the Nation Address na kanyang ginawa sa Cavite State University sa Indang, Cavite kahapon.

Pinuna ni Binay na, pagkaraan ng limang taon ng administrasyong Aquino, ang ipinagmamalaki nitong paglago ng ekonomiya ay nabigong makapagbigay ng pakinabang sa mga manggagawa, magsasaka at maralitang tagalunsod.

Sa halip, tangi an­yang nakinabang sa sinasabing economic growth ang mga mayayaman at mga kaibigan, kaeskuwela at mi­yembro ng Liberal Party na kinabibilangan ni Aquino.

“Napakadaling mamulot ng numero, mga nu­merong sa unang tingin ay makislap at kagiliw-giliw,” patungkol ni Binay sa hu­ling SONA ng Pangulo. “Ngunit hindi kayang pagtakpan ang umaalingasaw na katotohan na pilit itinatago at ipinagkakaila: pagkaraan ng limang taon, marami pa rin ang naghihirap, nagugutom at walang trabaho.

Ang iilan na yan ay ang mga mayayaman na lalo pang yumaman sa nakaraang limang taon. Kasama dyan ang mga kaibigan, kaklase, at kapartido ng ating Pangulo. Samantala, ang mga manggagawa, magsasaka, maralitang taga-lungsod, mga empleyado ng gobyerno at milyun-milyong karaniwang Pilipino ay hindi nakasalo sa pag-unlad.”

Idinagdag pa ng Bise Presidente, “Ang hindi sinasabi ng admi­nistrasyon, napakababa ng kanilang batayan ng poverty thres­hold. Para sa kanila, kapag may limampu’t walong piso (P58) kang panggastos sa isang araw, ay hindi ka na ituturing na ‘mahirap’. Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS, lima sa sampung Pilipino ngayon ang nagsasabing mahirap sila. Yan ay higit sa labing-isang milyong Pilipino na nagsasabi na hanggang ngayon, limang taon sa ilalim ng daang matuwid, sila ay lugmok pa rin sa kahirapan.”

Kinuwestyon din ni Binay ang pahayag ng Pangulo na kumokonti na ang mga Overseas Filipino Worker dahil marami nang oportunidad sa trabaho sa Pilipinas. “Ayon mismo sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA, tumaas pa nga ang bilang ng mga Pilipinong umaalis ng Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa,” sabi pa ni Binay. “Mula  sa 2,500 average daily deployment bago naging presidente si Aquino, tumaas ang bilang sa 6,092 sa unang buwan ng taong ito.”

Ayon kay Binay, totoong maraming OFW ang bumabalik sa Pilipinas pero ayaw aminin ng admi­nistrasyon ang tunay na dahilan dito. “Nariyan ang patakaran ng Saudi Arabia na bigyang prayoridad ang kanilang mga kababayan kaysa mga overseas wor­kers. Nandiyan din ang financial crisis sa Europe na dahilan ng pagsasara ng negosyo at malawakang lay-offs. Halos kasabay nito ang kaguluhan sa Gitnang Silangan at sa Africa kung saan naapektuhan ang maraming OFWs,” paliwanag niya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AQUINO

AYON

BINAY

BISE PRESIDENTE

MGA

PANGULO

PILIPINAS

PILIPINO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with