^

Bansa

Aquino nakiusap kay Roxas: ‘Diyan ka muna sa DILG’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakiusap si Pangulong Benigno Aquino III kay Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na manatili pa ito sa posisyon nito kasunod ng pag-endorso niya rito bilang kandidato ng administrasyon sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa panayam kahapon na bagaman mara­ming pangalan ang lumulutang na puwedeng pumalit kay Roxas sa DILG, nais niyang manatili muna ito sa puwesto.

Marami pa anyang dapat gawin si Roxas sa DILG partikular sa Philippine National Police gayundin sa mga informal settlers sa Metro Manila na kanyang iniatang sa kalihim.

“Halimbawa, sa PNP, ‘yung kanilang ‘shoot, scoot and communicate’ na pag-a-upgrade ng kanilang facilities sa equipment et cetera is ongoing. Nagpa-follow up ako doon sa informal set­tlers na issue lalo na sa Metro Manila. Marami tala­gang trabaho doon na, again, ang konsepto huwag nating patagalin ‘yung pagdurusa ng ating mga kababayan,” dagdag pa ng Pangulo.

Kung magkakaroon agad ng pagbabago sa lide­rato ng DILG ay matatagalan na naman bago magamay ng papalit sa kanya ito at uubos na naman ng oras sa transition period.

Samantala, tiniyak ni Aquino na walang pondo ng gobyerno na gagamitin para sa kampanya ni Roxas at iba pang kandidato ng administrasyon sa darating na halalan.

Sinabi niya pagkatapos dumalo sa anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue kahapon na kahit kailan ay hindi naging ugali ng kanyang administrasyon na gamitin ang pondo ng bayan para sa pagsusulong ng kandidato ng administrasyon.

Binuweltahan ni Pa­ngulong Aquino ang nag-aakusa na gagamitin ang pondo ng gobyerno para palakasin ang kandidatura ni Roxas laban kay Vice-President Jejomar Binay ng United Nationalist Alliance.

vuukle comment

ACIRC

AQUINO

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

MARAMI

METRO MANILA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROXAS

SINABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with