^

Bansa

STL operators dinaya ang PCSO

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniutos kamakailan ni Philippine Charity Sweepstakes Office Chairman Ireneo “Ayong” Maliksi ang walang humpay na kampan­ya laban sa umano’y pandaraya ng Small Town Lottery operators sa deklaras­yon ng benta sa lokal na loterya at ang umano’y paggamit ng mga ito sa kanilang lisensiya na pantakip sa operasyon ng jueteng.

Ayon kay Maliksi, na­tuklasan ng kanyang ahensiya na noong nagdaang taon ay P4.7 billion lang ang idineklarang gross sales ng lahat ng 17 lottery operators na ang karamihan ay nasa sa Luzon, sa halip na P103 billion na siyang tinataya ng PCSO.

Sa ginawang pandaraya ng “STL lords” ay na­wawala sa gobyerno ang inaasahang P45 billion kada taon base sa sharing scheme na 45% ang dapat mapunta sa PCSO, na ang 30% ay para sa charity funds ng gobyerno at ang 15% naman ay para sa operasyon ng ahensiya.

Nitong nagdaang mga linggo ay sunod-sunod na sinalakay ng mga ele­mento ng National Bureau of Investigation ang mga larong loterya sa Nueva Ecija, Pampanga, Laguna, Bulacan at Batangas sa pakikipag-ugnayan ni Maliksi sa director ng NBI.

Pinaniwalaan ng mga opisyal ng PCSO na ilan sa mga larong loterya, na naaktuhan ng taga-NBI na gumagamit ng sistema at paraphernalias ng jueteng tulad ng mga kabo, kubrador at mga papeletos, ay pag-aari umano ng kilalang gambling lord sa Luzon.

Sinabi rin ng nasabing opisyal na iniutos na rin ni Maliksi ang pag-imbestiga sa ulat na P200 milyon ang “isinuka” ng STL lords bilang protection money para isang mataas na opisyal sa gabinete upang mapanatili pa hanggang Agosto 2016 ang lisensiya ng larong loterya.

“Three years ago ay pinahihinto na ni Pangulong Aquino ang STL at pinapapalitan ng ibang laro na pwedeng magpahinto sa jueteng, pero sa halip na mapahinto ay nabigyan pa ito ng extension hanggang sa susunod na taon,” pahayag ng nasabing opisyal, na siyang nagkumpirma na gamit sa jueteng ang lottery games.

vuukle comment

ACIRC

AGOSTO

ANG

LUZON

MALIKSI

MGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NUEVA ECIJA

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE CHAIRMAN IRENEO

SMALL TOWN LOTTERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with