^

Bansa

SONA ni PNoy parang sophomore student - Osmeña

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikinumpara ni Sen. Serge Osmeña lll sa isang second year college student ang ginawang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino noong nakaraang Lunes.

Ayon kay Osmeña, dapat mga 40 minuto lamang ang isang speech diretso sa punto at banggitin din kung ano ang mga pagkukulang at ano ang mga nagawa.

“Sophomoric parang college na second year high, napakahaba, ngayon ko lang napanood. The message is the state of the nation, hindi state of Aquino’s hair. Sinuman ang nag-draft ng mensahe na yan eh, talagang napaka-amateur ang pagkakagawa,” sabi ni Osmeña sa panayam sa DZBB kahapon.

Aniya, hindi man lang nabanggit ang kaso ng 44 troopers ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa Mamasapano, Maguinda­nao at maging ang problema sa transportasyon.

Lumabas din anya na wala man lang pagtingin si Pangulong Aquino sa mga nasawing myembro ng pulisya.

“His government is a student government because of his incompetent. Kasi hina-hire nya ang mga kaklase nya eh. Ano ba naman ito, he was elected by 50 million vo­ters, hindi sinabi ng 50 million voters na we are electing you and your classmates, iyong KKK nya. Kaya kapalpakan ang patakbo ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno,” paliwanag pa ni Osmeña.

Aniya sa limang taon na panunungkulan ni Aquino ay mas marami ang kapalpakan pero may mga kabutihan naman at malabo na rin itong maka­bawi pa.

Aniya, hindi na rin makakabangon pa ang admnistrasyon sa problema sa transportasyon lalo na sa MRT at LRT na matagal na rin nilang pinupokpok.

“Bibigyan ko siya ng score na D as in dog. But in certain areas, like his integrity, bibigyan ko siya ng A. Ngunit ang mahirap, nalalaman ng taumbayan na ang nakapaligid sa kanya ay mga corrupt. Idenedepensa pa nya, hindi pinalalabas ang mga kabahuan nila,” dagdag pa ni Osmeña.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANIYA

AQUINO

ATILDE

MGA

OSME

PANGULONG AQUINO

SPECIAL ACTION FORCE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with