^

Bansa

BBL ipaubaya sa susunod na administrasyon – Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tatanungin, dapat ipaubaya na lamang sa susunod na administrasyon ang pagpasa ng kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law (BBL) upang matiyak na plantsado ito.

Aminado si Marcos, chairman ng Senate committee on local government na naatasan na rebyuhin ang BBL, na kukulangin na sa oras para maipasa ang panukala lalo pa’t kinakailangan pang magsagawa ng plebisito tungkol dito.

Sinabi pa ni Marcos na posibleng hindi maisumite sa Lunes ang committee report tungkol sa BBL kung kailan tatalakayin din ng mga senador ang iba pang mahahalagang priority measures ng administrasyon.

Nakatakdang magsagawa ng caucus ang mga senador sa Lunes upang pag-usapan ang iba’t ibang mahahalagang panukalang batas na dapat pagtuunan ng pansin.

Nang tanungin tungkol sa posibilidad na akusahan siyang sinasadya ang matagal na deliberasyon sa BBL, sinabi ni Marcos na: “So what sinabi na nila yun eh sanay na sanay na ako dun.”

vuukle comment

ACIRC

AMINADO

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

BBL

BONGBONG

MARCOS JR.

NAKATAKDANG

NANG

SENATOR FERDINAND

SINABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with