^

Bansa

Ampatuan dinismis

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinismis ni Ombudsman Conchita Carpio Morales  mula sa serbisyo si Governor  Zaldy Ampatuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).  Ito ay makaraang mapatunayan ng Ombudsman na si Ampatuan ay liable sa kasong  Serious Dishonesty at Grave Misconduct may kinalaman sa bigong pagsusumite ng kanyang  assets sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) mula taong  2000 hanggang 2009.

 Dahil hindi na nito mararanasan ang parusang pagsipa sa puwesto dahil nananatili itong nakakulong sa Bicutan jail dahil sa kasong 57 counts ng murder kaugnay ng Maguindanao massacre, inatasan ng Ombudsman na pagmultahin na lamang ito ng kapareho ng sahod sa isang taon, pagkansela ng kanyang eligibility, pagtanggal sa retirement benefit, at hindi na maaa­ring maupo sa alinmang tanggapan ng gobyerno at pinagbabawalang kumuha ng civil service examinations.

Batay sa isinagawang lifestyle check investigation ng Ombudsman, napatunayan na si Ampatuan ay bigong ideklara ang kanyang 14  na real estate properties na may halagang P12,336,416.90 na nasa  Davao, Cotabato at Makati.

Bigo din si Ampatuan na ideklara ang pagmamay ari sa kanyang 15  sasakyan na may hala­gang P25,476,116.00 at ang  26  na armas na may halagang  P5,914,000.00.

Sinasabing kagimbal gimbal ang pagkakaroon ng mga ari arian ni Ampatuan na hindi makukuha sa sahod ng isang gobernador  sa loob ng walong taong panunungkulan sa puwesto.

vuukle comment

ACIRC

AMPATUAN

AUTONOMOUS REGION

GRAVE MISCONDUCT

LIABILITIES AND NET WORTH

MUSLIM MINDANAO

NBSP

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

SERIOUS DISHONESTY

STATEMENTS OF ASSETS

ZALDY AMPATUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with