^

Bansa

Smartmatic panalo sa bidding ng PCOS

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Commission on  Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na ang Smartmatic-TIM ang  nanalo sa bidding  sa 70,000 units ng optical mark reader  o OMR para sa gaganaping automated election sa 2016 alinsunod na rin sa  isinumiteng rekomendasyon ng Special Bids and Awards Committee ng komisyon.  Ayon kay Bautista, hindi pa inaaksyunan ng En Banc ang rekumendasyon ng SBAC dahil nais muna nilang bigyang daan ang resulta ng rebidding para sa  pagpapakumpuni ng PCOS machines.  Nakatakda nang buksan bukas,  Sabado,  ang bid propo­sal ng mga kumpanyang lumahok sa bidding para sa pagkukumpuni ng mga lumang PCOS. Nabatid na umaabot sa P7.8-B ang inilaang pondo ng Comelec para sa pag-upa ng 70,000 OMR units.

Ipinaliwanag  ni Bautista na dahil tiyak na ang pag-upa sa 23,000 OMR units, ang pinagpipilian na lamang nila ay ang PCOS refurbishment o ang pag-upa sa 70,000 karagdagang OMR unit.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAUTISTA

CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

COMELEC

EN BANC

IPINALIWANAG

KINUMPIRMA

NBSP

SPECIAL BIDS AND AWARDS COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with