^

Bansa

‘Midnight pabaon’ sa HGC pinabubusisi

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng mga kongresista ang umano’y katiwalian sa cash-strapped na Home Guaranty Corporation matapos malaman na sa halip na ayusin ang gusot sa ahensiya ay nagpaplano itong ibenta ang ilang assets nito na nagkakahalaga ng multi-milyong piso.

Sinabi nina Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe at Quezon City Rep. Winnie Castelo na tila isang ‘midnight deal’ sa outgoing officials ang planong pagbebenta sa ilang lupain ng Harbour Centre na sento ng mediation proceedings ng Kamara.

Pinuna ni Batocabe, chairman ng sub-committee on housing ng Kamara, na nakakaalarma, kwestyonable at may iregularidad sa publication ng invitation to bid ng HGC sa pamamagitan ng executive vice president nitong si Corazon Corpuz ukol sa mga properties na sentro ng settlement sa pagitan ng HGC at property developer na RII Builders Inc.

Sinabi ni Batocabe na, sa pagtatangkang maibenta ang naturang assets, sinamantala umano ang sitwasyon at ipinalathala ang invitation to bid nang hindi alam at walang pahintulot ng pangasiwaan. “O kaya ang publikasyon nito ay nasa ilalim ng direksyon ng top management na nagtatangkang gumawa ng isang midnight deal bago sila umalis sa HGC,” dagdag niya

Tapos na anya ang appointment ng mga opisyal sa HGC nitong June 30, 2015 kaya nasa hold-over capacity lamang ang mga ito habang wala pang itinatalaga ang Malacañang.

Ayon naman kay Castelo, dapat lamang imbestigahan ang ginagawang ito ng mga opisyal ng HGC.

Sinabi ni Castelo na dapat hayaan ng old Board ang mga itatalagang bagong opisyal na magdesisyon kung anong gagawin sa kanilang assets.

Kahina-hinala anya ang naturang hakbang na kaila­ngang imbestigahan dahil nangyari ito habang tinatalakay ng House Committee on Housing kung paano masosolusyunan ang gusot na pinasok ng HGC.

Siniguro ni Batocabe na hindi kukunsintihin ng kanyang komite ang sinasabing paglabag na ito at inaatasan ang HGC president na si Manuel Sanchez na magpaliwanag.

vuukle comment

AKO BICOL PARTYLIST REP

ANG

BATOCABE

BUILDERS INC

CASTELO

CORAZON CORPUZ

HARBOUR CENTRE

HGC

HOME GUARANTY CORPORATION

HOUSE COMMITTEE

SINABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with