PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Totoong may himala! - Veloso

MANILA, Philippines - Ilang oras bago ang nakatakdang pagbitay, ipinagpaliban ng gobyerno ng Indonesia ang parusa kay Mary Jane Veloso.

Itinuturing na isang himala ang pagpapaliban sa pagbitay kay Veloso matapos ilang beses igiit ng Indonesia na itutuloy nila ang pagpapatupad ng kanilang batas.

Tanging si Veloso lamang ang nailigtas, habang ang walo pa niyang kasama sa death row ay namatay na sa pamamagitan ng firing squad.

Samantala, labis ang kasiyahan ng pamilya ni Veloso sa naging desisyon ng Indonesia.

"Totoo pong may himala na dumating sa buhay ng anak ko," pahayag ni Celia Veloso sa kanyang panayam sa dzMM.

"Hindi ako makapaniwala. Ang alam nga po namin kanina wala na talaga."

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sinasabing malaking tulong sa pagpapaliban ng pagbitay kay Mary Jane ang paglutang ng  recruiter niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: