^

Bansa

Palitan ng diaper isasabatas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Senator Miriam Defensor-Santiago na mag­karoon ng batas na mag-aatas sa lahat ng malala­king establisyemento sa bansa at mga tanggapan ng gobyerno na maglagay ng lugar kung saan maaring magpalit ng diaper ang mga sanggol o baby-diaper changing station.

Sa kanyang Senate Bill 2704 na tatawaging “Diaper-Changing Stations in Restrooms Act,” kapag naging ganap na batas, pinuna ni Santiago na karamihan sa mga establisyemento sa bansa ay walang mga diaper-changing stations.

Kalimitan din umano ng may mga diaper-changing stations ay nakalagay lamang sa mga restrooms ng mga babae.  Katungkulan anya ng gobyerno na protektahan at isulong ang karapatan ng mga mamamayan  na maging malusog at maging “health conscious.”

Dahil sa kawalan ng mga ‘changing tables’ para sa pagpapalit ng diapers ng mga sanggol,  napipilitan ang mga magulang na gawin ito sa mga lababo ng public restroom na hindi naman maganda para sa ibang gumagamit ng mga pampublikong kubeta.

Dapat rin aniyang maging accessible para sa mga babae at lalaki ang mga diaper changing stations at hindi lamang para sa mga nanay.

vuukle comment

ACIRC

CHANGING

DAHIL

DAPAT

DIAPER

DIAPER-CHANGING STATIONS

KALIMITAN

MGA

RESTROOMS ACT

SENATE BILL

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with