^

Bansa

PNoy hindi nag-sorry, humingi ng pang-unawa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kanyang huling pahayag sa Mamasapano clash, pang-unawa ang apela ni Pangulong Benigno Aquino III sa publiko, taliwas sa inaasam ng karamihan na public apology.

Muling nagpaliwanag si Aquino sa pagkasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao at sinabing hindi siya nakapagbigay agad ng tulong dahil sa maling impormasyon na ibinigay sa kanya.

Dagdag niya na hindi niya hahayaan na malagay sa alanganin ang kapakanan ng kanyang mga tauhan, ngunit napaniwala aniya siya na plantsado ang plano ng SAF sa pagtugis kay Malaysian terrorist

"Ang sa akin lang po, subukan din naman sana ninyong ilagay ang sarili niyo sa sitwasyon ko. Kung nalaman ko ito agad, sa tingin n'yo ba, hindi ako gagawa ng paraan para tulungan ang ating hanay?" wika ng Pangulo.

Aniya walang sinumang pinuno ang makakahigit sa kanyang nagawa sa kabila ng maling impormasyon  na nakuha niya.

"Meron po kayang makakapagsabi nang totoo na kaya niyang higitan ang mga nagawa natin sa impormasyong tangan natin noong mga araw na iyon upang tugunan ang sitwasyong hindi man niya batid?"

Sa huli ay pang-unawa ang hiningi ni Aquino sa mga Pilipino.

"Ang magagawa ko na lamang, matapos masabi ang lahat ng dapat sabihin at magawa ng lahat ng dapat gawin, humingi po ng pang-unawa," pahayag niya.

"Buong pagpapakumbaba kong hinihiling ang inyong pang-unawa.”

Inulan ng batikos si Aquino dahil sa hindi pag-ako ng responsibilidad sa pagkasawi ng 44 miyembro ng SAF.

Marami rin ang nagalit sa paninisi ng Pangulo sa nasibak kay SAF Commander Getulio Napeñas.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Board of Inquiry (BOI) na pinutol ni Aquino ang chain of command nang makipagpulong siya kay Napeñas at sa noo'y suspendidong PNP Director General Alan Purisima.

Sinabi rin ng Senado na si Aquino ang may responsibilidad sa sinapit ng SAF.

vuukle comment

AQUINO

BOARD OF INQUIRY

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

GETULIO NAPE

MAMASAPANO

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with