^

Bansa

Jolo bumubuti na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumubuti na ang kondisyon ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla.

Base sa medical bulletin ng Asian Hospital na nilagdaan ni Dr. Joven Jeremius Tanchuco, bumababa na ang lagnat ni Jolo, na maaring dulot lamang ng kanyang sugat sa dibdib nang aksidente umano nitong mabaril ang sarili.

Sa huling resulta ng CT scan, wala aniyang urgent condition sa kanyang lumaking tiyan at namagang mukha.

Maaari na ring gumalaw at tumayo ito para maiwasan ang anumang kumplikasyon at wala na rin nakitang dugo sa pag-ubo ng pasyente bagamat mahigpit pa rin itong binabantayan para sa kanyang patuloy na paggaling.

Gumagana na rin ang kanyang digestive system at hindi na kailangang ibalik pa sa intensive care unit (ICU).

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang paggaling ni Jolo para makapagbigay ng testimonya sa pulisya hinggil sa insidente.

Samantala, hiniling naman kahapon ng Muntinlupa City Police na magsasagawa sila ng ocular inspection sa bahay ng pamilya Revilla sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.

Bahagi anya ito ng isinasagawang imbestigasyon sa sinasabing aksidenteng pagkakabaril ni Jolo sa kanyang sarili habang nililinis umano nito ang kanyang Glock .40 sa loob ng bahay ng kanyang mga magulang.

Malalaman kung aksidente o nagtangkang magbaril sa sarili ang batang Revilla, base sa kanilang makakalap na ebidensiya.

Wala pang tugon ang kampo ng pamilya Revilla sa kahilingan na ito ng pulisya.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL

AYALA ALABANG VILLAGE

CAVITE VICE GOV

DR. JOVEN JEREMIUS TANCHUCO

JOLO

JOLO REVILLA

KANYANG

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with