^

Bansa

Kahit na-‘out’ sa Mamasapano ‘Mar move on na’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni United Nationalist Alliance Inte­rim President Toby Tiangco si DILG Sec. Mar Roxas na mag-move on na matapos maitsapuwera sa ope­rasyon sa Mamasapano.

“Masyado namang pikon si Secretary Roxas. Masakit na katotohanan lang ang ipinahayag ng Vice President na initsapuwera si Roxas ng Pangulo kahit siya ang anointed one at BFF. Masakit pakinggan pero totoo. Hindi siya ang tunay na BFF. Masakit ang pagtaksilan. Move on na, Mister Secretary.” 

Nilinaw ni Tiangco na hindi na makukuwestiyon ang katotohanan na ang suspendidong hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima ay nabigyan ng laya na pangasiwaan ang isang malaking ope­rasyon ng pulisya nang hindi alam ni Roxas.  

“Kung nilihim sa kanya ng Presidente, siguro may dahilan ang Presidente. Itanong na lang ni Secretary Roxas kay Presidente kung gusto niyo pero huwag na syang mag-inarte. Kausapin niya ang Pa­ngulo at huwag ibuhos ang kanyang galit at naramdamang sakit sa ibang tao,” sabi pa ni Tiangco.

Ayon pa kay Tiangco, makikita kung anong klaseng lider si Roxas sa mga ginawa nito pagkaraang malaman nito ang insidente sa Mamasapano.

“Walang ginawa si Roxas­ para mailigtas ang buhay ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force. Muli, nalublob si Roxas sa isang krisis tulad ng sa Yolanda at nabigo siya sa pagsubok sa kanyang liderato. Muli syang tinimbang at muli siyang nagkulang,” puna ng mambabatas mula sa Navotas.”

Inilalantad anya ng kabanatang ito ang katauhan ni Roxas na kumakatawan sa kasalukuyang administrasyon, ang kawalan ng pasensiya sa lehitimong kritisismo.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

MAMASAPANO

MAR ROXAS

MASAKIT

MISTER SECRETARY

MULI

ROXAS

SECRETARY ROXAS

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with