^

Bansa

Pinay sa Indonesia ’di bibitayin – DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi sasalang sa bi­tayan ang Pinay na na-convict sa kasong drug smuggling sa Indonesia.

Ayon kay DFA spokesman Charles Jose, sisimulan pa lang na pag-aralan ng Supreme Court ng Indonesia ang apela sa kaso ng 30-anyos na Pinay na si Mary Jane Veloso matapos iindorso ng lower court para marepaso.

Binigyang-linaw din ni Jose na hindi kabilang si Veloso sa mga nasa death row na dinala na sa isang isla sa Indonesia para ihanda sa eksekusyon.

Nabatid na nagprisinta ang pamahalaan ng argumento at testigo sa korte upang mabaligtad ang hatol na kamatayan kay Veloso.

Sa argumento, kinuwestiyon ng tagapagtanggol ni Veloso ang nagsilbing “translator” sa korte habang dinidinig ang drug case nito dahil lumalabas na isang estudyante lamang ang naturang translator. Iginiit ng gobyerno na kaila­ngang kuwalipikado ang sinumang tumatayong “court translator”.

Matatandaang nahulihan ang Pinay ng 2.6 kilong heroin sa kaniyang bag nang dumating sa Jakarta noong 2010.

Itinanggi ng Pinay na sa kanya ang nasabing droga at hindi umano niya alam na heroin ang laman ng suitcase na ipinadala sa kanya ng kaibigan.

Kapag hindi nabaligtad ang desisyon, papatawan ng parusang kamatayan ang Pinay sa pamamagitan ng firing squad.

vuukle comment

AYON

BINIGYANG

CHARLES JOSE

IGINIIT

ITINANGGI

MARY JANE VELOSO

PINAY

SUPREME COURT

VELOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with